Monday, April 25, 2016

Anong Meron si Mar Roxas na wala ang Iba?

Mar Roxas


Marami sa aking mga kaibigan ang nagtatanong kung bakit si Mar Roxas ang pinili kong suportahan sa darating na halalan. Hindi naman ako dating hayagan kung magbigay ng sariling opinyon lalo’t pagdating sa isyu ng pulitika. Pero hindi ako makapapayag na basta na lang balewalain ang darating na eleksyon dahil ito ang magiging basehan ng isang magandang bukas para sa bansa. Ano bang meron si Mar? Malamang ito ang itatanong sa akin ng aking mga kaibigan. Naniniwala akong makatao siya. Marangal at siguradong maaasahan. Matagal na panahon na niyang iginugol ang kanyang oras sa kasanayan niya sa pagiging bahagi ng kabinete ng tatlong naging pangulo ng bansa. Minsan nang sinabi ni dating pangulong Joseph Ejercito-Estrada na si Mar Roxas ang pinakamagaling niyang naging miyembro  ng kanyang gabinete. 

Future Proof of Mar Roxas and Leni Robredo's Projects


So what exactly does the tandem of Mar Roxas and Leni Robredo the best choice? Mar-Leni’s combination comes out smelling good. Mar has shown that he is competent, and incorruptible. Leni has shown that she is not driven by selfish ambition (which causes shifting allegiance, and back-stabbing, and disregard for the country’s needs) but by a humble desire to serve the people. Competence and integrity are also her watchwords.  Both have proven track record of excellent public service. 

Roxas has humanitarian heart, he’s an honorable man, and he’s someone we could all depend on. The following projects are some of the fruits of honest and efficient service of Roxas:

1.04 million jobs equal to 18 billion contribution to the BPO industry in the Philippines economy according to the latest data of 2014 .


Sino nga ba ang karapatdapat sa boto ko?

Nalalapit na naman ang eleksyon.  Bilang isang mamamayan, karapatan at responsibilidad mong pumili ng matuwid at mahusay na lider ng bansa. Hindi biro ang pumili ng iboboto sa dinami-dami ng hanay ng mapagpipiliang kumakandito. Kaya marapat lamang na siguraduhin mo na ang iboboto mo ay yung matuwid at hindi corrupt upang maiwasan ang parusa sa sarili at sa bayan. Ika-nga nila: ‘Kapag matuwid ang namamahala, bayan ay nagsasaya, ngunit tumatangis ang bayan kung ang pinuno ay masama.’ 



Sa buhay ng tao, maraming naging masama dahil natagpuan nila ang kayamanang nakuha nila sa masamang paraan. Maraming gumagamit ng madayang takalan na sadya namang kasuklamsuklam. Ang karamihan sa mga pulitiko pa naman ay may mga dilang mahuhusay sa mga panlilinlang, mabubulaklak kasi silang magsalita. Puro sila pangako na sa bandang huli nama’y sadyang napapako. Marami rin sa kanila na sa umpisa lang magaling, sa simula mo lang maaaring malapitan o mahingian ng kaunting tulong. Kapag tumagal na ito sa serbisyo, baka nga ni hindi ka man lang nito magawang lingunin. Kung kaya’t ang tanong ko ay paano tayo makapipili ng tama? Anong pamantayan ang maaari nating gamitin?


Narito ang ilan sa dapat tandaan ng bawat mamboboto:
1.       Magparehistro. Upang makaboto, kailangan rehistrado ka sa COMELEC. Kailangan sa Eleksyon 2016 ang biometric data ng bawat botante. Hindi maaaring makaboto kung wala nito. Kaya makipag-ugnayan sa munisipyo o city hall kung saan ka nakatira. Puwede mo rin hanapin ang iyong pangalan at precint number sa http://comelec.gov.ph.
2.       Manalangin. Dinidinig ng Diyos ang panalangin natin para sa bayan. Manalangin tayo na gabayan tayo ng Diyos sa ating pagpapasya at tamang pagpili ng mga angkop na kandidato sa halalan.
3.       Bumoto sa araw ng eleksyon. Ang umpisa ng pagboto ay sa ganap na 7:00AM hanggang 7:00PM. Nakasulat sa balota ang pangalan ng mga kandidato. Itiman o lagyan ng shade nang maigi ang buong bilog sa tapat ng pangalan ng mga kandidatong nais mong iboto. Maaaring kulang ang kandidatong iboboto mo sa bawat puwesto, pero hindi maaari ang sumobra.




Handa ka na bang bumoto? Ano-ano ba ang mga katangian ng isang matuwid na lider?

Karakter at karangalan

1.       Kinakailangan na ang kandidatong pipiliin natin ay yung marunong kumunsulta sa mga mamamayan at may malinaw na pagkilala sa tama at mali.
2.       May malinis na pangalan, hindi nasagkot sa anumang krimen, anomaly o katiwalian.
3.       Walang babae o lalaki, walang bisyo sa droga, alak, sugal at iba pa.
4.       Nagbibigay ng magandang halimbawa, may malinis at tapat na pamumuhay; ginagalang at may maayos na kaugnayan sa lipunan.
5.       Hindi kailanman nasangkot sa pandaraya sa eleksyon o anumang paglabag sa mga batas sa eleksyon.
6.       Hindi nasangkot sa pagnanakaw at pangugurakot sa kaban ng bayan; walang hindi maipaliwanag na yaman matapos nitong maupo bilang isang public servant.

           Kakayahan at Abilidad

1        Mayroon dapat siyang sapat na kaalaman at edukasyon bilang paghahanda sa posisyong hinahangad.

       Mayroon siyang sapat na karanasan para sa posisyon.
3.       Mayroon siyang kahusayan at kasanayan sa paggawa ng mga tungkuling hinihingi ng posisyon.
4.       Mayroon siyang matibay na kalooban na magpatupad ng batas.
Katapatan sa Diyos at sa Kapwa
1.       Sinisikap niyang mamuhay ayon sa mga salita at utos ng Diyos.
2.       May respeto siya sa kanyang magulang, awtoridad, kapangyarihan, simbahan at lipunan.
3.       Mayroon siyang pagpapahalaga sa buhay at pamilya; may respeto sa dignidad at karapatang pantao bilang nilikha na kawangis ng Diyos.
4.       May puso siya at malasakit sa mga mahihirap at lubos na nangangailangan.


Katotohanan sa Pamumuno
1.       Matapat siya sa Saligang Batas, nagsisikap sumunod sa batas.
2.       Makatarungan siya, walang kinikilingan o pinapanigan; may tapang na ipaglaban ang tama at labanan ang mali.
3.       May malinaw at konkreto siyabg Programa at Plataporma ng pamumuno; nagsusulong ng mga programa o batas tulad ng solusyon sa kahirapan ng nakararaming mamamayan, paglaban sa droga at smuggling.
4.       Napangangalagaan, napapanatili at napapalago niya ang likas na yaman ng bansa.
5.       Hindi siya nagpapalaganap ng pamumuno bilang isang pamilya o yung tinatawag natin na ‘political dynasty.’
 
Presidential Candidate Mar Roxa



Sino nga ba ang karapat-dapat sa aking boto sa darating na halalan? Para sa akin si Mar Roxas ang gusto kong maging president at siya rin ang iboboto ko. Hindi siya naging bastos kahit pa pinupulaan siya ng kapwa kandidato niya sa pagkapangulo. Hindi siya yung tipo ng kandidato na naghahamon ng ‘suntukan.’ Miski tunay naman talagang nakapanggigigil na ang ilang isyu na patuloy nilang binabato sa kanya, nananatili pa ring patas at hindi ito pumapatol sa mga akusasyon lalo pa’t pawing wala namang katotohanan. 



Maging sa naging track record pa lang ni Mar, si Roxas na ang pinakadisente, tunay na makatao, maka-Diyos, makabayan, at makatarungan. Bagamat siya rin ang may pinakaguwapong hitsura sa sa mga lalaking katunggali niya sa pagka-pangulo, hindi niya kailangan pang magpa-pogi. Tanging si Roxas lang ang pasado sa lahat ng uri ng kwalipikasyon sa pagkapangulo.