Thursday, April 14, 2016

Sino nga ba talaga si Leni Robredo?



Isang simple at mabuting maybahay. Isang matagumpay na abugado. Kasangga ng mga mahihirap. Tagapagtanggol ng mga kababaihan. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa maaaring maglarawan kay Leni Gerona Robredo. 


Hindi siya maaaring matawag na ‘ordinaryong’ maybalo ng yumaong Department of Interior and Local Government Secretary (DILG) na si Jessie Robredo. Bagamat namuhay ng payak, hindi matatawaran ang naging kasanayan sa paglilingkod ni Robredo sa kanyang mga kababayan. 
 
Liberal Party VP Candidate Leni Robredo




Sa loob ng tatlong taon ay marami nang nagawang mga programa ni Robredo bilang isang kongresista ng 3rd district ng Camarines Sur. Sa dami ng mga proyekto ni Leni bilang isang public servant, nakagawa na rin siya ng iba’t-ibang mga bagay kung saan nakinabang ang kanyang mga nasasakupan partikular na ang mga programang may kinalaman sa kalusugan, edukasyon at kahandaan sa mga sakuna. Tinawag niya ang programa niyang ito bilang ‘Tsinelas Leadership.’





Bagamat walang tulong ng PDAF (ang siyang sumasagot sa bawat budget ng mga proyekto ng isang pulitiko na naglilingkod sa bayan na naging isang malaking kontrobersiya nang dahil kay Janet Napoles), nagampanan ng maayos ni Robredo  ang lahat ng kanyang mga naging proyekto at naging matagumpay ang lahat ng ito. Pinatunayan ni Robredo na hindi kinakailangan ng malaking budget mula sa pamahalaan upang makatulong sa kapwa. Nakasalalay ito sa angking galing at diskarte ng sino mang may hawak ng proyekto at programa.





Tunay na naging tagapagtanggol din si Robredo sa karapatan ng mga kababaihan. Ilang taon ding naglingkod si Robredo ng libreng serbisyo sa kanyang kinasasakupang probinsiya. Isa siya sa mga nag-boluntaryo upang ibigay ang libreng serbisyo niya bilang isang abogado at naging tagapagtanggol ng mga walang sapat na kakayahan upang magbayad ng abogado. 


Pinatunayan pa rin ni Robredo na kaya niyang ipakita ang kanyang likas na talino nang sumali siya bilang kaisa-isang babae sa huling Vice Presidential Debate #PilipinasDebates2016 ng CNN Philippines. Hindi siya nagpadaig at nagpasindak sa kapwa niya kumakandidato bilang bise-presidente. 




Sa pamamagitan din ng blog site kong ito, nais kong makatulong na pabulaanan ang sinabi ni dating senador Francis “Chiz” Escudero na katulad ni Robredo ay naghahangad din maging VP ng bansa. Sa naturang VP Debate, sinabi ni Escudero na siya daw ang naghain ng isang “supply-driven” na Freedom of Information Bill. Ayon sa ilang research at pinatunayan na rin ito mismo ni Edwin Lacierda, Presidential Spokesperson ni Pangulong Noynoy Aquino, pawang walang katotohanan ang ‘claim’ ni Escudero.




Sa tunay na Facebook account ni Lacierda, sinabi nito na isa siya sa maaaring makapagpatunay na si Leni Robredo ang nagpasok ng open data provision kung saan kailangang i-upload ang lahat ng mga transaksyon nang hindi na kailangang may humingi pa nito. Kinumpirma ito mismo ni Lacierda. Sinabi ni Lacierda sa kanyang FB account (in verbatim): “I can confirm that it was Leni because as Chairman of the Philippine Open Data Task Force, I met with Cong. Leni and Cong. Dina Abad on the importance of Open Data provisions in the proposed FOI Bill. Leni and Dina were all for the supply side of access to information. As a result, it was her staff who collaborated with my colleagues in the Open Data Task Force, discussed and crafted the open data language in the FOI Bill.”




Nais ni Robredo na maging bahagi ng mainstream na mangangasiwa sa mga lumalaban sa kahirapan. Naniniwala rin siya na kinakailangan at panahon na upang maging mas modernisado ang ating pwersang pang-militar. Hindi siya pabor sa bilateral talks sa Tsina tungkol sa kontrobersyal na Spratlys Island.

Ayon pa ky Robredo, ipaglalaban rin niya ang karapatan ng bawat Filipino sa mas mabilis na koneksyon at internet. Naniniwala siya na ang problema ay dahil hawak ng mga kumpanya ng telepono ang National Telecommunications Commission (NTC). Nabanggit din ni Robredo na kinakailangan ng bansa ang isang national broadband network para mabigyan ng sapat na solusyon ang mga kinakailangan pang imprastraktura. Hindi rin pabor si Robredo sa political dynasty at isa siya sa mga authors at nagpasa ng Anti-Dynasty Bill.




Naniniwala si Robredo na may direktang ugnayan ang kahirapan at ang political dynasty. Kapag mayroong nagaganap na dynasty, may kanya-kanyang pinoprotektahan ang bawat interes ng isa’t-isa na simula ng katiwalian sa gobyerno. At kapag nagkataon na may ganitong political dynasty, napapabayaan ang mgapangunahing pangangailangan ng mamamayan ng isang bansa. 




Pananagutan, aninaw (transparency) at paglahok ng mamamayan ang siyang mga nagsisilbing pundasyon ng plataporma ni Robredo. Cool, calm at collected. At pinaka taos-pusong maglingkod, iyan si Leni Robredo. 

Sabi nga ni Leni Robredo sa kanyang huling naging pahayag sa VP Debates, “May the best woman win.” Hangad ko rin na manalo sa halalan na ito ang pinaka-karapatdapat sa pagiging ikalawang pangulo, walang iba kung hindi si Leni Robredo





No comments:

Post a Comment